- CEDB
- Other languages
- Tagalog
Tagalog
- Tagalog
Kasamang nilalaman sa Website ng CEDB
Ang bersyon na Tagalog ng website ng Kawanihan ng Komersyo at Pagpapaunlad ng Kabuhayan (CEDB) ay naglalaman lamang ng napiling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maaari mong ma-akses ang buong nilalaman ng aming website saIngles, Tradisyonal na Tsino, o Pinasimpleng Tsino.
Maligayang pagdating sa website ng Kawanihan ng Komersyo at Pagpapaunlad ng Kabuhayan (CEDB). Ang layunin ng CEDB ay upang mapabuti ang katayuan ng Hong Kong bilang isang nangungunang pandaigdig na sentro ng kalakalan at negosyo.
Ang CEDB ay responsable para sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng iba't ibang mga polisiya na may kaugnayan sa komersyo at industriya (kabilang ang panlabas na ugnayang komersyal at panloob na promosyon ng pamumuhunan), suporta sa maliit at katamtamang laking negosyo, pagsulong ng pakikilahok ng Hong Kong sa Belt at Road Initiative, telekomunikasyon, pagsasahimpapawid, proteksyon ng intelektwal na pag-aari, proteksyon ng mamimili, kumpetisyon, sensura ng pelikula, kontrol ng malaswa at hindi disenteng mga artikulo, kombensyon at eksibisyon, mga serbisyo sa pagpapadala ng liham, pagpapadali ng kalakalan at negosyo ng alak, pati na rin ang trabaho na may kaugnayan sa mga Parusa ng Konsehong Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa.
Kabilang sa iba pa, ang mga sumusunod na paksang isyu ay susi sa gawain ng CEDB. Mangyaring i-klik ang "+"para sa mga detalye.
WTO at APEC
Ang Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (Hong Kong SAR) ay may ganap na awtonomiya sa pagsasagawa ng mga panlabas na ugnayan sa komersyo. Ang Batayang Batas ng HKSAR ay ipinapahayag na ito ay magiging isang hiwalay na teritoryo ng adwana at maaaring, gamit ang pangalang "Hong Kong, China", lumahok sa mga nauugnay na pandaigdig na organisasyon at kasunduan sa kalakalan, tulad ng Organisasyon ng Pandaigdigang Kalakalan (WTO) at Ekonomikong Kooperasyon sa Asya-Pasipiko (APEC).
Ang Hong Kong ay isang matatag na tagasuporta ng multilateral na sistema sa kalakalan na nakabatay sa mga patakaran sa ilalim ng pagtataguyod ng WTO. Kami ay isang tagapagtatag na kasapi ng WTO at nagpatuloy sa aming hiwalay na pagiging kasapi sa ilalim ng pangalan na "Hong Kong, China" mula nang itatag ang Hong Kong SAR. Sa katulad na paraan, ang Hong Kong ay gumaganap ng isang aktibong papel bilang isang ganap at hiwalay na kasapi sa ilalim ng pangalan na "Hong Kong, China" sa APEC, isang rehiyonal na pagtitipon para sa mataas na antas ng diyalogo sa kalakalan at pang-ekonomiyang kooperasyon.
Ugnayan sa kalakalan sa Kalupaang Tsina
Ang Kalupaang Tsina ang pinakamalaking katuwang sa kalakalan ng Hong Kong. Upang mapalalim ang kooperasyon sa ekonomiya at kalakalan sa pagitan ng dalawang lugar at matulungan ang mga negosyo sa Hong Kong na siyasatin ang merkado ng Kalupaang Tsina, nilagdaan ng dalawang panig angKasunduan sa Mas Malapit na Ugnayang Ekonomiko ng Kalupaang Tsina at Hong Kong (CEPA) noong Hunyo 2003 upang higit na gawing liberal ang merkado ng Kalupaang Tsina at gawing mas madali ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan. Sa paglipas ng mga taon ang dalawang panig ay unti-unting pinalawak at pinalawak ang nilalaman ng CEPA, na ngayon ay isang komprehensibong at modernong kasunduan sa malayang kalakalan na sumasaklaw sa apat na larangan: kalakalan sa mga kalakal, kalakalan sa mga serbisyo, pamumuhunan, at pang-ekonomiya at teknikal na kooperasyon, tinitiyak na ang mga kumpanya sa Hong Kong ay tinatamasa ang pinaka-paborableng pagtrato sa pag-akses sa merkado ng Kalupaang Tsina.
Relasyon sa Kalakalan sa mga Pandaigdigang Merkado
Mayroon kaming network ng labing-apat na Mga Tanggapan ng Pang-ekonomiya at Pangkalakalan sa Ibayong Dagat (ETO), na nagsusulong ng mga interes sa ekonomiya at kalakalan ng Hong Kong sa pamamagitan ng pagpapalakas ng reputasyon ng Hong Kong sa ibang bansa, masusing pagmamanman sa mga pag-unlad na maaaring makaapekto sa mga interes ng Hong Kong, at malapit na pakikipag-ugnayan sa mga sektor ng negosyo at komersyo, mga politiko, at banyagang media. Ang labing-apat na ETOs ay ang Bangkok, Jakarta, at Singapore ETOs sa rehiyon ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya; Tokyo ETO sa Asya; Berlin, Brussels, Geneva, at London ETOs sa Europa; New York, San Francisco, at Washington ETOs sa Estados Unidos; Toronto ETO sa Canada; Sydney ETO sa Australia; at Dubai ETO sa Gitnang Silangan. Para sa mga detalye, mangyaring i-click angEconomic and Trade Offices (ETO).
Para sa iba pang impormasyon na may kinalaman sa Hong Kong sa pandaigdigang kalakalan, mangyaring i-klik anghttps://www.cedb.gov.hk/en/policies/external-commercial-relations.html and https://www.cedb.gov.hk/en/trade-and-investment/hong-kong-in-global-trade.html.
Sa puso ng Asya, na may pandaigdigang antas na imprastraktura at isang kapaligirang paborable sa negosyo na suportado ng pamamahala ng batas, Ang Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (Hong Kong SAR) ay isa sa mga nangungunang destinasyon sa mundo para sa para sa dayuhang direktang pamumuhunan. Ang Pamahalaan ng Hong Kong SAR (ang Pamahalaan) ay aktibong umaakit ng dayuhang direktang pamumuhunan.
Ang Kawanihan ng Komersyo at Pagpapaunlad ng Kabuhayan ang nangangasiwa sa gawain sa panloob na promosyon ng pamumuhunan Ito ay tinutulungan ng Mamuhunan Sa Hong Kong, at ng Tanggapan sa Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Hong Kong. Ang ilang mga organisasyong hindi pampamahalaan kabilang angKonseho ng Pagpapaunlad ng Kalakalan ng Hong Kong ay aktibong nag-aambag din sa pagpapakilala ng Hong Kong bilang isang sentro ng pamumuhunan at negosyo. Sa pamamagitan ng mga ahensya na ito, ang pamahalaan ay nagbibigay ng isang malawak na hanay ng mga serbisyo sa pagpapayo at suporta sa mga kumpanya na interesado sa pamumuhunan sa Hong Kong pati na rin ang mga namuhunan na sa Hong Kong.
Ang Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (ang Pamahalaan) ay nakatuon sa pagbibigay ng suporta sa abot ng makakaya at imprastraktura na may pandaigdig na kalidad para sa pagpapaunlad ng industriya at komersyo sa isang kapaligiran na paborable at patas sa negosyo. Ang Kawanihan ng Komersyo at Pagpapaunlad ng Kabuhayan (CEDB) ay may responsibilidad sa kabuuang patakaran para sa nauugnay na gawain, katulad ng pakikipag-ugnay sa sektor ng negosyo, pagsuporta sa maliliit at katamtamang laki na mga negosyo at promosyon at pagpapadali ng kalakalan.
Pagsuporta sa maliliit at katamtamang laki na negosyo
Ang maliit at katamtamang laki na mga negosyo (SMEs) ay ang sandigan ng ekonomiya ng Hong Kong, na bumubuo ng humigit-kumulang 98% ng mga negosyo sa Hong Kong. Ang CEDB ay may kabuuang responsibilidad sa mga patakaran para sa pagsuporta sa SMEs at nagbibigay ng mga serbisyo sa pamamagitan ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (TID) at iba't ibang mga ahensya, kabilang ang:
-Ang Nakalaang Pondo sa Pagba-brand, Pag-upgrade at Panloob na Pagbebenta (Pondo ng BUD) sa ilalim ng TID: nagbibigay ng suporta sa pagbibigay ng pondo sa mga negosyo para sa papaunlad na mga merkado kung saan nilagdaan ng Hong Kong ang mga Kasunduan sa Malayang Kalakalan at/o Kasunduan sa Promosyon at Proteksyon sa Pamumuhunan;
-SME Ang Pondo sa Promosyon ng Pagluluwas (EMF) sa ilalim ng TID: nagbibigay ng suporta sa pagpopondo sa SMEs para sa pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa promosyon;
-SME Ang Iskema sa Garantiya sa Pagpopondo na pinangangasiwaan ng HKMC Insurance Ltd.: tumutulong sa SMEs na makakuha ng komersyal na pagpopondo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga garantiya sa pautang mula sa Pamahalaan; at
-Ang Pondo sa Suporta sa mga Organisasyon sa Kalakal at Industriya (TSF) sa ilalim ng TID: nagbibigay ng suporta sa pagpopondo sa mga organisasyong hindi naglalayong kumita upang maisagawa ang mga proyektong naglalayong pahusayin ang pagiging kompetitibo ng mga negosyo sa Hong Kong sa pangkalahatan o sa mga tiyak na sektor.
• Mga serbisyo sa impormasyon at konsultasyon
-Simula noong Oktubre 2019, pinagsama ng Pamahalaan ang mga serbisyo ng apat na SME centres, partikular angSupport and Consultation Centre for SMEs (SUCCESS), "SME Centre" ng TID sa ilalim ng Konseho ng Pagpapaunlad ng Kalakalan ng Hong Kong (HKTDC), "SME One" sa ilalim ng Konseho ng Pagiging Produktibo ng Hong Kong (HKPC), at "TecONE" sa ilalim ng Korporasyon ng mga Parke ng Agham at Teknolohiya ng Hong Kong, upang matanggap ng SMEs ang isahang na konsultasyon at serbisyon sa pagre-refer sa mga iskema ng pagpopondo ng gobyerno at mga serbisyong suporta sa alinman sa mga sentrong ito.
-Ang SMEs ay maaaring ma-akses ang komprehensibong impormasyon at mga serbisyo ng suporta sa online platform "SME Link"
-Ang TID ay itinatag ang “SME ReachOut” na grupo upang suportahan SMEs sa pagkilala ng angkop na mga iskema ng pagpopondo ng pamahalaan, at pagsagot sa mga katanungan na may kaugnayan sa mga aplikasyon pati na rin ang pag-aayos o pakikilahok sa mga aktibidad tulad ng mga seminar at pagbisita sa mga kamara.
Promosyon at pagpapadali ng kalakalan
Sa pangangasiwa ng CEDB:
-ang Konseho ng Pagpapaunlad ng Kalakalan ng Hong na nababatay sa batas ay aktibong ipinapalaganap ang panlabas na kalakalan ng Hong Kong; at
-Ang Korporasyon sa Pagseseguro ng Kredito ng Hong Kong na naaayon sa batas ay nagbibigay ng proteksyon sa seguro para sa mga lokal na tagaluwas laban sa mga panganib ng hindi pagbabayad, na nagmumula sa mga komersyal at politikal na pangyayari, para sa mga produktong ipinagbibili o serbisyong ibinigay sa mga kustomer sa ibang bansa.
Ang CEDB ay nangangasiwa sa Iskema Ng Suportang Serbisto Sa Pagsulong Ng Propesyonal upang magbigay ng suporta sa pagpopondo para sa mga organisasyong hindi naglalayong kumita upang magsagawa ng mga proyekto upang mapadali ang panlabas na promosyon at pagpapahusay ng mga propesyonal na serbisyo ng Hong Kong.
Upang mabawasan ang mga papeles na kinakailangan sa pangangalakal at mapahusay ang pagiging episyente, patuloy na naghahanap ng mga paraan ang Pamahalaan upang i-upgrade ang mga sistema para sa mga transaksyon sa pagitan ng negosyo at pamahalaan (B2G). Ang CEDB ay may responsibilidad sa polisiya para sa Serbisyong Elektroniko sa Kalakalan ng Pamahalaan na sumusuporta sa elektronikong pagsusumite at pagproseso ng mga pangunahing dokumento na may kinalaman sa kalakalan, at nakikipagtulungan sa mga kaugnay na kagawaran ng gobyerno upang ilunsad ang Isahang Lugar sa Kalakalan bilang isahang elektronikong plataporma para sa pagsusumite ng mga dokumento ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalan sa Pamahalaan para sa deklarasyon ng kalakalan at customs clearance.
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring mag-klik sa https://www.cedb.gov.hk/en/policies/industry-and-business-support.html
Ang Belt at Road Initiative (B&RI) ay isang pangmatagalang pambansang estratehiya sa pag-unlad. Batay sa “Paggamit sa mga Kalamangan ng Hong Kong, Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Bansa”, ang Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ay patuloy na aktibong sumusuporta at nagpo-promote ng pangunahing pambansang estratehiya sa pag-unlad gamit ang ating natatanging kalamangan na tinatamasa mula sa matibay na suporta ng Inang Bayan at pagiging malapit na konektado sa mundo sa ilalim ng “isang bansa, dalawang sistema".
Ang Hong Kong ay ganap na nakikibahagi at nag-aambag sa pag-unlad ng B&RI at sinasamantala ang ating posisyon bilang gumaganang plataporma para sa B&RI, pati na rin ang buong paggamit ng ating papel bilang isang “super connector” at “super value-adder”." Ang Pamahalaan ng HKSAR ay nagpapatupad ng isang pangkalahatang estratehikong pamamaraan, kung saan ang Tanggapan ng Belt at Road (BRO) ng Kawanihan ng Komersyo at Pagpapaunlad ng Kabuhayan ang nangunguna at nag-uugnay sa gawain ng Pamahalaan HKSAR upang itaguyod ang buong pakikilahok ng Hong Kong sa B&RI. Ang BRO ay nagpapanatili ng malapit na ugnayan sa mga kaugnay na awtoridad ng Kalupaan Tsina para sa mas pinahusay na koordinasyon ng mga polisiya. Nag-aayos din ito ng mga programa sa tulong ng Konseho ng Pagpapaunlad ng Kalakalan ng Hong Kong at mga kamara ng komersyo, pati na rin ang mga propesyonal na samahan, kabilang ang pag-aayos ng taunang Belt and Road Summit, mga panlabas na misyon, at mga pagtutugma ng negosyo at partisipasyon sa mga proyekyo batay sa pangangailangan.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa gawain ng Pamahalaan ng HKSAR sa pagsusulong ng pakikilahok ng Hong Kong sa B&RI, mangyaring mag-klik sa http://www.beltandroad.gov.hk
Ang Hong Kong ay may isa sa mga pinaka-sopistikado at matagumpay na merkado ng telekomunikasyon sa mundo. Ang Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (ang Pamahalaan) ay nagpapatupad ng mga patakarang pang-telekomunikasyon na pabor sa kompetisyon at pabor sa mga mamimili na may mga sumusunod na layunin:
-ang pinakamalawak na hanay ng mga de-kalidad na serbisyo ng telekomunikasyon ay dapat na magamit ng komunidad sa makatwirang presyo;
-ang mga serbisyo ng telekomunikasyon ay dapat ipagkaloob sa pinakamatipid na paraan hangga't maaari; at
-Ang Hong Kong ay dapat magsilbi bilang pangunahing sentro ng komunikasyon para sa rehiyon.
Ang mga serbisyo ng telekomunikasyon sa Hong Kong ay ganap na liberalisado at lahat ay nasa pribadong sektor. Walang mga restriksyon sa pagmamay-ari ng dayuhan para sa mga tagapagbigay ng serbisyo ng telekomunikasyon. Ang patakaran ng Pamahalaan ay dapat magkaroon ng pantay-pantay na kalagayan sa mga bagay na ito at tiyakin na ang mga mamimili ay makakakuha ng pinakamahusay na mga serbisyo na magagamit batay sa kapasidad, kalidad, at presyo.
Para sa mga detalye tungkol sa aming gawain sa telekomunikasyon, mangyaring mag-klik sa https://www.ofca.gov.hk/en/contact_us/support/index.html at https://www.cedb.gov.hk/en/policies/telecommunications.html
Ang pagbsasahimpapawid ay may mahalagang tungkulin na magbigay ng impormasyon, magbigay-aliw, at magturo. Ang Hong Kong ay may masiglang industriya ng pagsasahimpapawid, na may 15 libreng tsanel sa digital na telebisyon (TV) at 14 na tsanel sa radyo na ibinibigay ng mga komersyal na brodkaster at ng mga pampublikong serbisyo na brodkaster, ang Radyo Telebisyon ng Hong Kong (RTHK), pati na rin ang mahigit 700 na tsanel sa satellite at may bayad na TV.
Ang mga layunin ng patakaran ng Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (ang Pamahalaan) ay palawakin ang pagpipilian ng programa para sa komunidad, hikayatin ang pamumuhunan at inobasyon sa industriya ng pagsasahimpapawid, itaguyod ang patas at epektibong kompetisyon, at palakasin ang posisyon ng Hong Kong bilang isang rehiyonal na sentro ng pagsasahimpapawid.
Ang mga serbisyo ng pagsasahimpapawid ay may regulasyon sa ilalim ng mga kaugnay na ordinansa. Ang mga brodkaster ay sumasailalim din sa mga kinakailangan sa paglilisensya. Ang balangkas ng paglilisensya ay idinisenyo sa paraang tinitiyak na ang awtoridad sa paglilisensya ay naaayon sa antas ng impluwensya at pagkakaroon ng serbisyo ng pagsasahimpapawid na lilisensyahan. Sa madaling sabi, ang Punong Ehekutibo sa Konseho ay may kapangyarihan na magbigay at mag-renew ng mga lisensya para sa serbisyo sa domestikong libreng TV, serbisyo sa domestikong may bayad na TV, at lisensya sa pagsasahimpapawid ng tunog, pagkatapos ng pagsasaalang-alang sa mga rekomendasyon ng Awtoridad sa Komunikasyon (CA). Ang CA, sa kabilang banda, ay binibigyan ng mga kapangyarihang ayon sa batas na magbigay at mag-renew ng mga lisensya para sa sebisyo sa TV na hindi domestiko at iba pang serbisyo sa TV na maaaring mabigyan ng lisensya.
Para sa mga detalye tungkol sa gawain ng Awtoridad sa Komunikasyon, mangyaring mag-klik sa https://www.ofca.gov.hk/en/contact_us/support/index.html
Pagsasahimpapawid sa TV
Ang pamahalaan ay nagsagawa ng isang komprehensibong pagsusuri ng polisiya ukol sa TV pagsusuri noong 1998, at pagkatapos ay binuksan sa merkado ang TV noong 2000. Walang limitasyon sa bilang ng mga lisensyang ibibigay, hangga't hindi lumalagpas sa pisikal o teknolohikal na mga hadlang.
Mula noong 2000, pinagtibay ng Pamahalaan ang isang regulasyong hindi nakabatay sa teknolohiya. Ang mga serbisyong pang-programa sa TV ay lisensyado at nireregulate ayon sa kanilang kalikasan at lawak ng pag-abot sa halip na kanilang mode ng transmisyon. Sa ilalim ng Ordinansa sa Pagsasahimpapawid (Kap. 562), ang apat na kategorya ng mga serbisyong pang-programa sa TV ay: libreng domestiko, may bayad na domestiko, hindi domestiko, at iba pang serbisyong pang-programa sa TV na maaaring lisensyahan.
Sa kasalukuyan, may tatlong libreng domestikong serbisyong pang-programa sa TV na lisensyado: ang i-CABLE HOY Limited (dating “Fantastic Television Limited”), HK Television Entertainment Company Limited, at Television Broadcasts Limited. Ang mga ito ay nagbibigay ng sampung domestikong tsanel sa digital na format gamit ang frequency spectrum at/o fixed network bilang mode ng transmisyon. Ang tatlong brodkaster ay kinakailangang magsahimpapawid ng mga positibong programa, kabilang ang mga balita, programa tungkol sa kasalukuyang mga pangyayari, at mga programa para sa mga bata at kabataan, atbp, alinsunod sa mga pangangailangan ng Awtoridad sa Komunikasyon para matugunan ang pangangailangan ng pangkalahatang publiko sa Hong Kong. Ang RTHK, bilang pampublikong serbisyong tagapagbalita ng Hong Kong na gumagawa ng mga programang may pampublikong interes, ay nagbibigay ng limang digital na tsanel sa TV.
Ang lisensyadong may bayad na domestikong serbisyong pang-programa sa TV na PCCW Media Limited ay nagbibigay ng mahigit 200 na may bayad na tsanel sa TV gamit ang plataporma na ganap na digitised. Ang sebisyong may bayad sa TV ay hindi gaanong mahigpit sa regulasyon ng nilalaman ngunit may kinakailangan batay sa batas na ang tagapagbigay ng serbisyo ay dapat magbigay ng mekanismo sa pagla-lock para maprotektahan ang mga menor de edad mula sa pag-akses ng mga nilalaman na para sa matatanda.
Itinatalaga ng Hong Kong ang sarili bilang sentro ng pagsasahimpapawid sa rehiyon ng Asya Pasipiko. May siyam na hindi domestikong serbisyong pang-programa sa TV na may lisensya na nagbibigay ng mahigit 200 na tsanel sa TV gamit ang sattelite para sa rehiyon ng Asya Pasipiko.
Pagsasahimpapawid ng tunog
Ang mga serbisyo sa pagsasahimpapawid ng tunog ay nireregulate sa ilalim ng Bahagi 3A ng Ordinansa sa Telekomunikasyon (Kap. 106). Mayroong 14 na lokal na radyo na naglilingkod sa Hong Kong. Ang dalawang komersyal na brodkaster, na ang Hong Kong Commercial Broadcasting Company Limited at Metro Broadcast Corporation Limited, kung saan ang bawat isa ay nagsasahimpapawid ng tatlong tsanel. Walong tsanel ang pinamamahalaan ng RTHK, ang pampublikong serbisyo na brodkaster.
Ang mga broadcasters ay kinakailangang magbigay ng balanseng pang-aaliw, impormatibo at pang-edukasyong mga programa, kabilang ang mga balita at ulat ng panahon, mga kasalukuyang pangyayari, mga programa tungkol sa sining at kultura, at mga programa para sa mga kabataan, matatanda at mga bata. Ang mga programa sa Filipino, Hindi, at Thai ay isinasahimpapawid din upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga grupo ng etnikong minorya sa Hong Kong.
Serbisyo Publiklong Pagsasahimpapawid
Ang RTHK (https://www.rthk.hk/racial_equality/index_e.html)ay isang kagawaran ng pamahalaan na nagsisilbing serbisyo publikong brodkaster ng lungsod. Nagbibigay ito ng malayang editoryal, propesyonal at kalidad ng radyo, TV at mga bagong serbisyo sa media. Ang Tsarter ng RTHK ay nagtataguyod ng kalayaang editoryal ng RTHK at itinakda ang mga pampublikong layunin, misyon, at ugnayan nito sa Kawanihan ng Komersyo at Pagpapaunlad ng Kabuhayan, ang CA at ng mga Lupon ng Tagapayo ng RTHK.
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring mag-klik sa https://www.cedb.gov.hk/en/policies/broadcasting.html
Upang itaguyod ang inobasyon, pag-unlad at palitan ng teknolohiya, at kalakalan at pamumuhunan, ang Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ay ganap na nakatuon sa pagtataguyod ng isang matatag at epektibong sistema ng intelektwal na pag-aari (IP) proteksyon, na sumasaklaw sa mga patent, kopirayt, trade mark, disenyo, uri ng planta, at disenyo ng layout ng mga integrated circuit. Ang Kawanihan ng Komersyo at Pagpapaunlad ng Kabuhayan ay may responsibilidad sa mga polisiya para sa mga karapatang IP sa Pamahalaan at tinutulungan ng Kagawaran ng Intelektwal na Pag-aari (IPD) sa mga gawaing pang-ehekutibo tulad ng pagrehistro ng mga patent, disenyo, at trade marks, at ng Kagawaran ng Adwana at Pagbubuwis sa pagpapatupad ng mga karapatang IP.
Ang Pambansang ika-14 na Limang Taong plano ay sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpahayag ng suporta para sa Hong Kong upang bumuo sa isang rehiyonal na sentro sa kalakalan na may kauganayan sa IP. Patuloy naming ipatupad ang isang serye ng mga hakbangin upang itaguyod ang pag-unlad ng kalakalan sa IP sa Hong Kong, kabilang ang pagpapalakas ng rehimen ng IP sa Hong Kong, pagsusulong ng IP pagpapalaganap at pagpapalakas ng pagbuo ng yamang tao, at pagpapalakas ng promosyon, edukasyon at panlabas na pakikipagtulungan. Ang Rehiyonal na Sentro ng Kalakalan sa IP ng Hong Kong, na isang website na inilunsad ng IPD, ay nagbibigay ng isahang akses sa impormasyon sa Hong Kong bilang isang rehiyonal na sentro ng kalakalan sa IP.
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring mag-klik sa https://www.cedb.gov.hk/en/policies/intellectual-property-protection.html
Ang Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (ang Pamahalaan) ay nakatuon sa pag-iingat sa lehitimong interes ng mga mamimili, kapwa mga bisita at mga lokal na residente. May mga batas na ipinatutupad upang matiyak na ang mga produktong pang-konsyumer na isinusuplay sa Hong Kong ay ligtas, sumusunod sa makatuwirang mga pamantayan sa kaligtasan, at inaalok ayon sa magagandang kasanayan sa kalakalan. Ang mga hakbang ay ipinatutupad din upang harapin ang mga reklamo ng mga mamimili at gawing mas madali ang pag-akses ng mga mamimili sa mga legal na remedyo
Lehislasyon
Ang kawanihan na ito ay may pananagutan sa lehislayon na may kaugnayan sa proteksyon ng mamimili kabilang ang –
Ang Ordinansa sa Sukat at Timbang (Kap. 68), na nagbabawal sa pagmamay-ari at paggamit ng maling o depektong kagamitan sa pagtimbang at pagsukat para sa layunin ng kalakalan. Kinakailangan din nito na ang mga kalakal na ibinebenta ayon sa timbang o sukat sa panahon ng kalakalan ay dapat ibenta ayon sa netong timbang o sukat.
Ang Ordinansa sa Kaligtasan ng mga Kalakal para sa Mamimili (Kap. 456), na nangangailangan sa mga tagagawa, taga-angkat at suplayer ng mga kalakal para sa pagkonsumo na tiyakin na ang mga kalakal na isinusuplay sa Hong Kong para sa pribadong paggamit o pagkonsumo (hindi kasama ang mga kalakal na nakalista sa Iskedyul sa ordinansa), ay makatuwirang ligtas. Ang mga kasamang batas sa ilalim ng ordinansa ay nangangailangan na ang mga babala o paalala sa pakete o mga pabalat ng mga produktong pang-konsyumer ay ipagkaloob sa parehong Ingles at Tsino.
Ang Ordinansa sa Kaligtasan sa Laruan at Produkto ng Bata (Kap. 424), na nangangailangan ng mga tagagawa, taga-angkat at suplayer ng mga laruan at tinukoy na mga produkto ng mga bata na tiyakin na ang mga kalakal na isinusuplay nila para sa lokal na pagkonsumo ay sumusunod sa itinakdang mga pamantayan o kinakailangan sa kaligtasan. Ang mga kasamang batas sa ilalim ng ordinansa ay nangangailangan na ang mga laruan at tiyak na mga produktong pambata na may mga marka ng pagkakakilanlan at mga babala o paalala sa pakete o mga pabalat ay ipagkaloob sa parehong Ingles at Tsino, at tinutukoy ang mga limitasyon ng konsentrasyon ng Uri 1 at Uring 2 ng phthalates.
Ang Ordinansa sa Paglalarawan ng Kalalakan (Kap. 362), na nagbabawal sa mga tinukoy na hindi patas na kasanayan sa kalakalan laban sa mga mamimili ng mga kalakal at serbisyo, kabilang ang maling paglalarawan ng kalakal, nakalilitong pagbawan ng impormasyon, agresibong mga kasanayan sa kalakalan, bait advertising, bait-and-switch, at maling pagtanggap ng bayad. Ang mga kasamang batas sa ilalim ng ordinansa ay nangangailangan sa mga nagtitingi na magbigay ng mga invoice o resibo na naglalaman ng itinalagang impormasyon tungkol sa produkto sa mga mamimili ng ginto, platinum, diyamante, natural na fei cui, at mga itinalagang elektronikong produkto.
Ang nabanggit na batas ay ipinatutupad ng Kagawaran ng Adwana at Pagbubuwis. Sa ilalim ng Ordinansa sa Paglalarawan ng Kalalakan, ang Awtoridad sa Komunikasyon ay may kasamang hurisdiksyon upang magpatupad ng batas laban sa mga di-makatarungang kasanayan sa kalakalan ng mga lisensyado sa ilalim ng Ordinansa sa Telekomunikasyon (Kap. 106) at ng Ordinansa sa Pagsasahimpapawid (Kap. 562) na direktang konektado sa pagbibigay ng mga serbisyo sa telekomunikasyon o pagsasahimpapawid.
Konseho Ng Mamimili
Ang Konseho Ng Mamimili ay itinatag noong 1974 at isang katawan ng batas na isinama sa ilalim ng Ordinansa sa Konseho ng Mamimili (Kap. 216) upang protektahan at itaguyod ang mga interes ng mga mamimili ng mga kalakal, serbisyo at hindi maigagalaw na ari-arian. Ang Konseho ay nagpapag-ayos ng mga hindi pagkakaunawaan ng mga mamimili, nagpapalaganap ng impormasyon at payo para sa edukasyon ng mga mamimili, nagsasagawa ng mga pagsusuri sa produkto at pag-aaral, at naglalathala ng isang magasin ng mamimili na tinatawag na “CHOICE.” Sinusubaybayan din nito ang mga kasanayan sa kalakalan, at hinihikayat ang mga asosasyon sa negosyo at propesyonal na magtatag ng mga kodigo ng pagsasanay. Ang mga mamimili na may mga hindi pagkakaunawaan sa mga mangangalakal at hindi magkasundo ay maaaring maghain ng reklamo sa Konseho. Ang Konseho ay kumikilos bilang isang tagapamagitan at tumutulong sa mga mamimili sa paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan sa mga mangangalakal. Ang Konseho ay namamahala din sa Legal na Pondo ng Mamimili, na itinatag noong 1994 upang mapadali ang pag-akses ng mga mamimili sa mga legal na remedyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal na tulong sa mga mamimili sa mga kaso na may kinalaman sa makabuluhang interes ng mga mamimili.
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring mag-klik sa https://www.cedb.gov.hk/en/policies/consumer-protection.html
Ang Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (Ang Pamahalaan) ay nakatuon sa pagtataguyod ng kumpetisyon upang mapabuti ang kahusayan sa ekonomiya at malayang kalakalan, sa gayon ay may kapakinabangan sa parehong mga mamimili at negosyo. Naniniwala kami na ang kumpetisyon ay pinakamahusay na mapagyayaman pamamagitan ng pagpapahintulot sa libreng pag-play ng mga pwersa ng merkado at pagpapanatili ng minimum na interbensyon. Ang Ordinansa sa Kumpetisyon (ang Ordinansa) ay naisabatas noong Hunyo 2012. Ito ay ipinatupad sa mga yugto at naging ganap na naipatupad noong 14 Disyembre 2015. Ang nilalaman ng Ordinansa ay matatagpuan dito.
Ang Komisyon sa Kumpetisyon (ang Komisyon) ay itinatag noong 2013 sa ilalim ng Ordinansa bilang isang independiyenteng katawan ng batas. Ang tagapangulo at mga miyembro ng Komisyon ay hinirang ng Punong Ehekutibo. Ang Komisyon ay may mga sumusunod na tungkulin:
-imbestigahan ang kilos na maaaring labag sa mga patakaran sa kompetisyon at ipatupad ang mga probisyon ng Ordinansa;
-itaguyod ang pag-unawa ng publiko sa halaga ng kumpetisyon at kung paano itinataguyod ng Ordinansa ang kumpetisyon;
-itaguyod ang adopsyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng negosyo sa Hong Kong ng naaangkop na panloob na mga kontrol at mga sistema ng pamamahala ng peligro, upang matiyak ang kanilang pagsunod sa Ordinansa;
-payuhan ang pamahalaan sa mga usapin sa kumpetisyon sa loob at labas ng Hong Kong;
-magsagawa ng mga pag-aaral sa merkado sa mga usapin na nakakaapekto sa kumpetisyon sa mga merkado sa Hong Kong; at
-itaguyod ang pananaliksik sa at pagbuo ng mga kasanayan na may kaugnayan sa ligal, pang-ekonomiya at patakaran na aspeto ng batas ng kumpetisyon sa Hong Kong.
Ang mga alituntunin sa interpretasyon at pagpapatupad ng mga patakaran sa kumpetisyon ng Ordinansa, mga pamamaraan para sa paggawa ng mga reklamo at aplikasyon para sa pagbubukod at desisyon sa pagbubukod, pati na rin ang iba pang nauugnay na impormasyon tungkol sa komisyon at pagpapatupad nito ng Ordinansa, ay matatagpuan sa Website ng komisyon.
Ang Pangkat Tagapayo Ukol sa Polisiya sa Kumpetisyon (COMPAG), na pinamumunuan ng Kalihim para sa Komersyo at Pagpapaunlad ng Kabuhayan, ay namamahala sa mga reklamo na may kaugnayan sa kumpetisyon laban sa mga entidad na hindi sakop ng mga patakaran sa kumpetisyon ng Ordinansa. Kabilang sa mga entidad na ito ang mga entidad ng pamahalaan, karamihan sa mga katawan ng batas, at anumang iba pang mga entidad na pinalaya mula sa paglalapat ng mga patakaran sa kumpetisyon. Ang iba pang kaugnay na impormasyon ng COMPAG ay matatagpuan sa website ng COMPAG.
Para sa higit pang mga detalye tungkol sa itaas, mangyaring mag-klik din sa https://www.cedb.gov.hk/en/policies/promotion-of-competition.html
Ang patakaran ng Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (ang Pamahalaan) sa pag-uuri ng pelikula at sensura ay upang bigyan ang mga matatanda ng malawak na akses sa mga pelikula, habang pinoprotektahan ang mga kabataan na wala pang edad na 18 mula sa pagkakalantad sa materyal na maaaring makasama sa kanila.
Ang Hong Kong ay may sistema ng pag-uuri ng pelikula kung saan ang mga pelikula ay nauurisa isa sa mga sumusunod na kategorya:
Kategorya I - Angkop para sa lahat ng edad
Kategorya IIA - Hindi angkop para sa mga bata
Kategorya IIB - Hindi angkop para sa mga kabataan at bata
Kategorya III - para sa mga taong may edad 18 o pataas lamang
Habang ang mga Kategorya I, IIA, at IIB ay pagpapayo lamang, ang paghihigpit sa edad (18 o pataas) para sa kategorya III ay mahigpit na ipinatutupad sa mga pelikula. Ang mga pamantayan sa pag-uuri ng pelikula ay pinananatiling nakahanay sa mga pamantayan ng komunidad sa pamamagitan ng regular na mga sarbey ng mga pananaw ng komunidad at konsultasyon sa isang katawan ng batas ng mga tagapayo na binubuo ng higit sa 300 na mga miyembro na nagmula sa isang malawak na cross-section ng komunidad.
Ang mga pelikulang inilaan para sa pampublikong eksibisyon ay kailangang isumite sa Direktor ng Administrasyon ng Pelikula, Pahayagan at Pangangasiwa ng Artikulo*, na siyang Awtoridad sa Sensura ng Pelikula (FCA) sa ilalim ng Ordinansa Sa Sensura Ng Pelikula* (FCO)(Kap. 392), para sa pag-apruba. Ang mga pelikulang naaprubahan para sa pampublikong pagpapalabas ay maaaring iklasipika o hindi na kailangan ng klasipikasyon.
Bukod sa mga pelikula, ang pakete ng pisikal na lalagyan para sa kategorya III na mga pelikula (tulad ng mga videotape at laserdiscs) at mga materyales sa advertising ng kategorya III na mga pelikula ay dapat na aprubahan ng FCA bago sila mai-lathala o maipakita sa publiko.
Ang desisyon ng FCA maaaring suriin ng Lupon ng Pagsusuri (Sensura ng Pelikula), na isang katawan ng batas na itinatag sa ilalim ng FCO.
Ang layunin ng patakaran para sa regulasyon ng mga malaswa at hindi disenteng materyales ay protektahan ang pampublikong moral at mga kabataan mula sa nakapipinsalang epekto ng malaswa at hindi disenteng mga materyales, habang pinapanatili ang malayang daloy ng impormasyon at pinoprotektahan ang kalayaan sa pagpapahayag.
Ang paglalathala (kabilang ang pamamahagi, sirkulasyon, at pagbebenta) at pampublikong pagpapakita ng malaswa at hindi disenteng mga artikulo (kabilang ang mga nakaimprentang materyales, tunog na rekord, pelikula, video-tape, disc, at elektronikong publikasyon) ay nireregulate ng Ordinansa sa Pagkontrol ng Malaswa at Hindi Disenteng Artikulo* (COIAO) (Kap. 390). Gayunpaman, ang COIAO ay hindi nalalapat sa mga pelikula, pakete ng pelikula at materyal sa advertising ng pelikula na sakop sa ilalim ng FCO at mga pagsasahimpapawid sa telebisyon na pinamamahalaan ng Ordinansa sa Pagsasahimpapawid. Ang COIAO ay ipinatutupad ng Tanggapan sa Administrasyon ng Pelikula, Pahayagan at Pangangasiwa ng Artikulo, ng Kagawaran ng Adwana at Pagbubuwis, at ng pulisya.
Sa ilalim ng COIAO, ang "kalaswaan" at "hindi disente" ay kinabibilangan ng karahasan, kasamaan at pagiging kasuklam-suklam. Ang isang artikulo ay maaaring maiuri bilang:
Uri I : Hindi malaswa o hindi disente
Uri II : Malaswa
Uri III : Hindi disente
Ang mga uri I na mga artikulo ay maaaring mailathala nang walang paghihigpit. Ang mga uri II na mga artikulo ay hindi dapat mailathala sa mga taong mas bata sa 18. Ang paglalathala ng Uri II na mga artikulo ay dapat sumunod sa ilang mga kinakailangan sa batas, kabilang ang pagselyo ng mga naturang artikulo sa mga pambalot (ganap na na hindi maaaninag na pabalat kung ang mga takip ay hindi disente) at ang pagpapakita ng isang paunawa ng babala tulad ng iminumungkahi ng COIAO (tulad ng "Ang artikulong ito ay naglalaman ng materyal na maaaring makasakit at hindi maaaring ipamahagi, isirkula, ibenta, paupahan, ibigay, ipahiram, ipakita, i-play o i-project sa isang taong wala pang edad na 18 na taon.") sa hindi bababa sa 20% ng harap at likod na mga pabalat ng naturang mga artikulo. Ang mga Uri III na mga artikulo ay ipinagbabawal na mailathala.
Ang mga miyembro ng publiko na may mga katanungan at reklamo sa regulasyon ng mga mahahalay at hindi kaaya-aya na artikulo ay maaaring makipag-ugnay sa Tanggapan ng Administrasyon ng Pelikula, Pahayagan at Pangangasiwa ng Artikulo sa pamamagitan ng:
Hotline sa Reklamo: 2676 7676
Email: naa@ofnaa.gov.hk
Koreo: 3/F, Treasury Building, 3 Tonkin Street West, Cheung Sha Wan
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring mag-klik sa https://www.cedb.gov.hk/en/policies/control-of-obscene-and-indecent-articles.html
Ang industriya ng kombensiyon at eksibisyon (C&E) ay mahalaga sa Hong Kong bilang isang pandaigdig na sentro ng kalakalan. Ito ay nagtatagutod ng pangkalahatang pag-unlad ng ekonomiya, kalakalan, pati na rin ang mga tatak ng Hong Kong sa iba't ibang industriya. Taun-taon, ang Hong Kong ay pinangungunahan ang isang malawak na hanay ng malalaking pandaigdigang C&E mula sa Belt at Road Summit, Asian Financial Forum, Asian Logistics at Maritime Conference, at Business of IP Asia Forum, hanggang sa mga atraksyon sa sining at disenyo tulad ng Art Basel at Business of Design Week.
Ang aming tanyag na Hong Kong Convention and Exhibition Centre at AsiaWorld-Expo ay nagbibigay ng pandaigdig na lebel na imprastruktura at serbisyo sa mga tagapag-ayos ng mga kombensyon at eksibisyon.
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring mag-klik dito.
Ang Koreo ng Hongkong ay nagbibigay ng maaasahang, mahusay, at unibersal na mga serbisyo sa koreo sa makatuwirang halaga upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga lokal na residente at mga obligasyon sa serbisyong koreo ng Hong Kong, na may pandaigdigang pag-abot ng higit sa 200 na mga destinasyon. Ito ay gumagana bilang isang kagawaran sa pangangalakal ng pono mula pa noong Agosto 1995.
Bukod sa serbisyo ng sulat at parsela, ang Koreo ng Hong Kong ay kostumer na may iba't ibang mga pangangailangan, tulad ng Speedpost at Local CourierPost na mga serbisyo. Bilang karagdagan, ang Koreo ng Hong Kong ay nagbibigay din ng mga kaugnay na serbisyo, tulad ng e-Express+ at EC-Get na mga serbisyo, upang suportahan ang pag-unlad ng merkado ng e-commerce. Upang makasabay sa pag-unland ng negosyo sa e-commerce, pinahusay ng Koreo ng Hong Kong ang mga pasilidad at serbisyo sa paghahatid at koleksyon ng liham
Para sa mga bayarin at pagbabayad, ang PayThruPost ay nagbibigay ng isahang serbisyo para sa mga kostumer na bayaran ang mga bayarin sa pamahalaan, utility at iba pang bayarin sa pamamagitan ng cash, tseke, draft ng bangko at EPS sa lahat ng tanggapan ng koreo. Ang contactless payment ay tinatanggap para sa mga transaksyon sa lahat ng mga counter ng koreo at iPostal Kiosks.
Ang mga selyo ng Hong Kong ay patuloy na popular sa lokal na publiko at mga philatelist. Bilang karagdagan sa malawak na network ng tanggapan ng koreo nito, ginagamit din ng Koreo ng Hong Kong ang ShopThruPost na online platform ng pamimili upang mabigyan daan ang mga lokal at di-lokal na philatelist na bumili ng mga selyo ng Hong Kong at mga produktong philatelic sa isang maginhawang paraan.
Sa hinaharap, ang Koreo ng Hong Kong ay masigasig sa pagpapalakas ng kapasidad nito upang masakop ang pangangailangan para sa cross-boundary e-commerce na negosyo at makapag-ambag sa pag-unlad ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area. Nakuha nito ang suporta sa pondo mula sa Konsenhong Lehislatura para sa pagpapaunlad ng Air Mail Centre na magkakaroon ng makabagong pasilidad at teknolohiya para sa mas episyente at pinahusay na kapasidad, na inaasahang magsisimula sa pagtatapos ng 2027.
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring mag-klik sa https://www.cedb.gov.hk/en/policies/postal-services.html
Ang Hong Kong ay isang malayang daungan. Ang Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (Ang Pamahalaan) ay nagsisikap na mapabuti ang kahusayan sa clearance ng kargamento at mapabilis ang galaw cross-boundary cargo upang mapadali ang kalakalan. Ang Kagawaran ng Adwana at Pagbubuwis ay responsable para sa pagbibigay ng napapanahon at maaasahang mga serbisyo sa clearance ng kargamento. Ang mga kaugnay na hakbang ay kinabibilangan ng:
- Mga Elekronikong Clearance Platform ng Kargamento
- Awtorisadong Pang-ekonomikong Operator ng Hong Kong Programa
- Isang E-lock na Iskema
- Iskema sa Pasilitasyon ng Malayang Kasunduan Sa Kalakalan ng Sasakyang Pandagat
Ang Pamahalaan ay nagtataguyod din ng elektronikong pagsusumite at pagproseso ng mga pangunahing dokumento na may kaugnayan sa kalakalan sa pamamagitan ng Mga Serbisyo Sa Elektronikong Kalakalan Ng Pamahalaan at ng Isahang Lugar sa Kalakalan.
Upang mapanatili ang pandaigdig na pagiging kumpetitibo ng Hong Kong, ang Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (ang Pamahalaan) ay nagtataguyod ng mas malawak na adopsyon ng electronic commerce sa lokal na komunidad ng kalakalan. Ang Brio Electronic Commerce Limited, Global E-Trading Services Limited, at Tradelink Electronic Commerce Limited ay hinirang upang magbigay ng Mga Serbisyo Sa Elektronikong Kalakalan Ng Pamahalaan (GETS) Mga Serbisyo Sa Elektronikong Kalakalan Ng Pamahalaan, isang elektronikong platform ng serbisyo kung saan ang komunidad ng kalakalan ay nagsusumite ng mga pangunahing dokumento na may kaugnayan sa kalakalan sa pamahalaan. May karapatan ang pamahalaan na magtalaga ng karagdagang mga tagapagbigay ng serbisyo sa hinaharap.
Mangyaring mag-klik dito para sa higit pang mga detalye sa mga dokumento sa kalakalan, mga tagapagbigay ng serbisyo at mga materyales na sanggunian na may kaugnayan sa GETS.
Ang Pamahalaan ay nagpapatuloy sa pagpapaunlad ng Isahang Lugar sa Kalakalan (TSW) upang magbigay ng isahang electronic platform para sa pagsusumite ng iba't ibang uri ng mga dokumento para sa importasyon at eksportasyon sa Pamahalaan para sa layunin ng deklarasyon sa kalakalan at customs clearance.
Ang Kawanihan ng Komersyo at Pagpapaunlad ng Kabuhayan, ang Kagawaran ng Adwana at Pagbubuwis (na nagpapatakbo ng TSW), at ilang iba pang mga kagawaran ng pamahalaan ay nagtutulungan upang ilunsad ang TSW sa tatlong yugto. Ang Yugto 1 at Yugto 2 ng TSW ay nasa buong serbisyo na at gumagana nang maayos, na sumasaklaw sa kabuuang 42 na mga uri ng mga dokumento ng kalakalan na para sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga tiyak na kinokontrol na mga produkto. Ang Yugto 3 ay sasaklawin ang Deklarasyon ng Pag-aangkat at Pagluluwas, pagsusumite ng impormasyon ng kargamento kabilang ang Impormasyon ng Advance Cargo, Cargo Manifest at ulat ng kargamento tungkol sa iba't ibang mga mode ng transportasyon, at mga aplikasyon para sa Sertipiko ng Pinagmulan at Permit para sa mga Dutiable Commodities. Pagpapaunlad ng sistema ng teknolohiya ng impormasyon ng Yugto 3 ay isinasagawa, at ang target ay upang ilunsad ang mga serbisyo sa bawat batch mula sa 2026.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa TSW sa Hong Kong at ang pinakabagong kaganapan, mangyaring mag-klik dito*
Sa pagtanggal ng buwis sa alak noong 2008, ang Hong Kong ay naging isang rehiyonal na sentro para sa kalakalan at distribusyon ng alak, pati na rin isang nangungunang pandaigdigang sentro para sa subasta ng alak. Ang Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ay nagpakilala ng iba't ibang inisyatibo upang suportahan ang patuloy na pag-unlad ng negosyo na may kinalaman sa alak sa Hong Kong, kabilang ang:
˗pagsuporta sa malalaking lokal na mga kaganapan sa promosyon ng alak, kabilang ang Pandaigdigang Pista ng Alak at Inumin sa Hong Kong at Pista sa Alak at Pagkain ng Hong Kong, na may layuning itaguyod ang kalakalan at kultura ng alak pati na rin hikayatin ang pamumuhunan;
-pagpapadali ng muling pagluluwas ng alak sa Kalupaang Tsina sa pamamagitan ng koleksyon ng paunang impormasyon ng pagpapadala ng alak para sa madalian na clearance ng adwana sa mga daungan ng Kalupaang Tsina;
-pagpapalakas ng kooperasyon sa mga pangunahing bansa at rehiyon na gumagawa ng alak;
-pagpapalakas ng edukasyon sa alak at pagsasanay sa yamang tao;
-pagsuporta sa Sistema ng Sertipikasyon ng Pamamahala sa Imbakan ng Alak ng Hong Kong at Iskema ng Rehistrasyon ng Alak sa Hong Kong; at
-pag-iwas sa mga pekeng alak na makapasok sa Hong Kong sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng Kagawaran ng Adwana at Pagbubuwis at ng industriya, suportado ng pagsisiyasat mula sa mga ahente ng pagpapatupad sa labas ng Hong Kong; at
--ang pagtataguyod ng mga benepisyo ng sero na taripa para sa mga alak na ginawa sa Hong Kong sa kanilang pag-aankat mula Kalupaang Tsina sa ilalim ng Kasunduan sa Mas Malapit na Ugnayang Ekonomiko (CEPA) na balangkas.
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring bisitahin ang https://www.cedb.gov.hk/en/policies/wine-business.html at www.wine.gov.hk.
Listahan ng mga bansa na napapailalim sa mga Parusa
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga parusa ng Konsehong Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa na ipinatupad sa Hong Kong, mangyaring tingnan ang "Ordinansa ng mga Parusa ng Nagkakaisang Bansa" (Kabanata 537 ng mga Batas ng Hong Kong) at ang mga kasamang batas nito sa website ng Kagawaran ng Katarungan.
Pinagsama-samang Listahan ng mga Parusa ng Konsehong Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa (kabilang ang lahat ng mga indibidwal at entidad na sakop ng mga tiyak na hakbang ng parusa)
Mga Maling Positibo
Ang mga indibidwal o entidad na apektado ng mga pinapuntiryang pinansyal na parusa bilang resulta ng maling pagkakakilanlan o pagkalito sa mga indibidwal o entidad sa nabanggit na mga Listahan ng Parusa ay maaaring magsumite ng nakasulat na kahilingan para sa paglilinaw sa Kawanihan ng Komersyo at Pagpapaunlad ng Kabuhayan, pagkatapos humiling ng paliwanag mula sa institusyong nag-freeze ng mga asset, kabilang ang kahilingan na tukuyin nila kung aling indibidwal o entidad sa Listahan ng Parusa ang naging batayan para sa pagkilos ng pag-freeze.
Koreo: Commerce and Economic Development Bureau, 23/F, West Wing, Central Government Offices, 2 Tim Mei Avenue, Tamar, Hong Kong.
Email: enquiry@cedb.gov.hk
Fax: (852) 2918 1273
Kinakailangan sa pag-uulat para sa mga pinupuntiryang pinansyal na parusa
Ang lahat ng tao ay kinakailangang mag-ulat ng anumang pinatigil na asset o mga aksyong ginawa alinsunod sa mga kinakailangan ng pinapuntiryang pinansyal na parusa sa pamamagitan ng pagsusumite ng Ulat sa Kahina-hinalang Transaksyon (“STR”) sa Pinagsamang Yunit sa Pinansyal na Pagsisiyasat (“JFIU”). Ang mga kaugnay na pamamaraan ay matatagpuan sa website ng JFIU.
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring mag-klik sa https://www.cedb.gov.hk/en/policies/united-nations-security-council-sanctions.html